repost ko lang ulit from e-mail. ganda kasi
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay,
kung meron, gumamela lang;
10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
'Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa 'di mo kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic,
o kaya sa tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office
o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa,
mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala;
wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili:
trak-trakan (gawa sa Rosebowl ang katawan at Darigold na
maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na
maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno;
patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna
para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan);
sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.
'Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata:
kasi laro nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba,
turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip
Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging
dahil sa kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology...
di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik...
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
maraming addict at masasamang loob...
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero
ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong
mapahamak o mapariwara... Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila
tayo...
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng Internet, computer, at cell phone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter-strike at mga game boy.
Tayo noon... Doon...
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag
maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan
ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa
"Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
kabisado na tin, kasi wala namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno;
pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso;
pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman
ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton
sa p'wet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas;
tinda-tindahan na puro dahon naman;
bahay-bahayan na puro kahon;
naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga;
pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya
ng lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo 'pag nagpapaligo ng bata...
Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo;
matakot sa "berdugo" at sa "kapre;"
Tuwang-tuwa kami 'pag tinalo ang tinale ni Itay kasi may tinola!
'Yung crush mo?
'Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -
alembong, taeng-kabayo o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang
libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
mas masaya kung inuyat;
Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
Madami pa...
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
sa pagitan ng daliri para sa sawsawan;
ang palutong 'pag isawsaw sa sukang may siling labuyo;
ang duhat kapag inalog sa asin;
ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka;
o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
Naglululon ka ng banig pagkagising;
matigas na almirol ang mga punda at kumot;
madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, 'di ba?
Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
'Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
'Di ba noon...
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?" 'Pag ayaw ang resulta di ulitin:
"sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isa't-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka;
kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka nang taya sa holen.
'Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero
sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
'Di natutulog si Inay, nagbabantay 'pag may trangkaso tayo;
meron tayong Skyflakes at Royal sa tabi.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!
Tuesday, February 23, 2010
"Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN...
Saturday, February 6, 2010
TO ALL THE KIDS WHO WERE BORN IN THE 1950's, 60' s, 70's and early 80's !!
Natisod sa e-mail inbox ko hehehe
First, some of us s urvived being born to mothers who did not have an OB-Gyne and drank San Miguel Beer while they carried us..
While pregnant, they took cold or cough medicine, a te isaw, and didn't worry about diabetes.
Then after all that trauma, our baby cribs were made of hard wood covered with lead-based paints, pati na yung walker natin, matigas na kahoy din at wala pang gulong.
We had no soft cushy cribs that play music, no disposable diapers (lampin lang), and when we rode our bikes, we had no helmets, no kneepads , sometimes wala pang preno yung bisikleta..
As children, we would ride in hot un-airconditioned buses with wooden seats (yung JD bus na pula), or cars with no airconditioning & no seat belts (ngayon lahat may aircon na)
Riding on the back of a carabao on a breezy summer day was considered a treat. (ngayon hindi na nakakakita ng kalabaw ang mga bata)
We drank water from the garden hose and NOT from a bottle purchased from 7-11 (minsan straight from the faucet or poso)
We shared one soft drink bottle with four of our friends, and NO ONE actually died from this. Or contracted hepatitis.
We ate rice with Star margarine, drank raw eggs straight from the shell, and drank sofdrinks with real sugar in it (hindi diet coke), but we weren't sick or overweight kasi nga.......
WE WERE ALWAYS OUTSIDE PLAYING!!
We would leave home in the morning and play all day, and get back when the streetlights came on. Sarap mag patintero, tumbang preso, agawan-base, habulan at taguan.
No one was able to reach us all day (di uso ang cellphone, walang pagers ). And yes, we were O.K..
We would spend hours building our wooden trolleys (yung bearing ang gulong) or plywood slides out of scraps and then ride down the street , only to find out we forgot the brakes!After hitting the sidewalk or falling into a canal (sewage channel) a few times, we learned to solve the problem ourselves with our bare & dirty hands .
We did not have Playstations, Nintendo's, X-boxes, no video games at all, no 100 channels on cable, no DVD movies, no surround stereo, no iPOD's, no cell phones, no computers, no Internet, no chat rooms, and no Friendsters nor Facebooks... ....
WE HAD REAL FRIENDS and we went outside to actually talk and play with them!
We fell out of trees, got cut, broke bones and teeth and there were no stupid lawsuits from these accidents. The only rubbing we get is from our friends with the words... "masakit ba?" Pero pag galit yung kalaro mo.... ang sasabihin sa iyo... "beh! buti nga!"
We played marbles (jolens) and little toy soldiers in the dirt, washed our hands just a little, and ate dirty ice cream & fish balls. We were not afraid of getting germs in our stomachs.
We had to live with homemade guns na gawa sa kahoy, tinali ng rubberband, sumpit, tirador at kung anu-ano pa na pwedeng magkasakitan. . pero masaya pa rin ang lahat.
We made up games with sticks (syatong), and cans (tumbang preso)and although we were told they were dangerous, wala naman tayong binulag o napatay. Paminsan-minsan may nabubukulan lang.
We walked, rode bikes, or took tricycles to a friend's house and knocked on the door or rang the bell, or just yelled for them to jump out the window!
Mini basketball teams had tryouts and not everyone made the team. Those who didn't pass had to learn to deal with the disappointment. Wala yang mga childhood depression at damaged self esteem ek-ek na yan. Ang pikon, talo.
Ang magulang ay nandoon lang para tignan kung ayos lang ang mga bata, hindi para makialam at makipag-away sa ibang parents.
That generation of ours has produced some of the best risk-takers, problem solvers, creative thinkers and successful professionals ever! They are the CEOs, Engineers, Doctors and professionals of today.
The past 50 years have been an explosion of innovation and new ideas.
We had failure, success, and responsibility. We learned from our mistakes the hard way.
You might want to share this with others who've had the luck to grow up as real kids... We were lucky indeed.
And if you like, forward it to your kids too, so they will know how brave their parents were.
It kind of makes you wanna go out and climb a tree, doesn't it?!