Habang naghihintay ng masasakyan sa Airport, pagkatapos kong ihatid
ang kaibigan kong paalis ng bansa napansin ko ang isang Hapon na
nakaupo sa may gutter sa isang shed malapit sa Centennial Terminal
at mukhang problemado. Nilapitan ko ang Hapon at tinanong sa
wikang ingles. Pero mukhang hindi nakakaintindi ng wikang ingles ang
Hapon. Mabuti na lang at dati akong pipi kaya may background ako sa
pagsasign language.
Tinanong ko ang Hapon sa wikang Niponggo yun nga lang sa sign
language din. Napag-alaman ko na nawawala pala siya at naiwan siya
ng mga kasama niya at di niya alam kung nasaan na ang mga kasama
niya. Tinanong ko siya kung paano siya nakapunta doon sa Centennial
pero di ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Mabuti na lang at
ipinakita niya ang plane ticket niya. At napag-alaman ko na nung araw
na yun na din pala ang flight niya.
Mabuti na lang at may dumaan na Airport Police Mobile at ito ay pinara
ko. Pero nakita ko ang takot sa mukha ng Hapon at para bang
nakakita ng impakto! Pinakiusapan ko ang pulis na kung maaaring
ihatid ang Hapon sa Terminal 1 dahil doon ang flight niya. Pumayag
naman ang pulis. Kaya dali-dali kong kinausap ang hapon sa sign
language pa din na sumakay na sa patrol car at ihahatid siya sa
terminal.
Todo ang pagtanggi ng hapon na magpahatid sa pulis at mukhang
umikot ng 180 degrees ang ulo niya na parang "Exorcism of Emily
Rose¡¨ lang. Gusto ko sana magpatawag ng pari nung panahon na
yon para malabanan ang masamang espiritung tila sumanib sa Hapon.
Pero, imagination ko lang pala ang pag-ikot ng ulo niya. Ayaw niya
lang pala talaga sumakay sa patrol car. Choosy???
Nagpasalamat na lang ako sa pulis at sinabi ko na ayaw ng Hapon.
Sinabi na lang ng pulis na, "Akala niya siguro pare-pareho kami¨
Binalikan ko ang hapon at sinabi ko sa kanya na sumabay na lang siya
sa akin at ako na lang ang maghahatid sa kanya sa terminal. Dumukot
siya sa bulsa at naglabas ng pera na hindi ko alam kung yen ba o yung
tinatawag nilang "Lapad" na para bang nagsasabing wala siyang peso
at yun lang ang pera niya. *Naintindihan ko yun, multilingual ako e. Sa
sign language nga lang!
Binigyan ko siya ng 7.50 at pumara ako ng dyip. Nagmamadaling
sumakay ang Kumag! Itinuro ko na lang sa Hapon kung saan siya
bababa dahil hindi rin naman ako makakapasok sa loob ng terminal
dahil hindi naman ako pasahero at hindi rin empleyado.
Bakit kaya ganun na lang ang reaksyon ng Hapon sa Pulis at parang
takot na takot siya?
Di lang "Abduction¨ kay Lozada ang nangyari dyan sa Airport
Kwento ko sa inyo kung ano ang ibang pinagkakakitaan ng mga Airport
Police dyan sa Airport Makinig kayo mga bata
Noong unang panahon may isang Pinay na nangarap na makarating ng
Japan para mabilhan ng color tv at betamax ang kanyang tatay at
make-up (isang box, galling Japan!!!) naman para kay nanay pinalad
na makapagtrabaho sa Japan bilang isang entertainer at nakapag-
asawa ng Hapon.
Bumalik ang babae na maputi na ang balat dahil naliligo daw sila sa
gatas at kulay blonde na ang buhok. Tuwang-tuwa ang tatay niya dahil
hindi betamax ang pasalubong ng anak kundi "LAPAD¨ at DVD na, si
Nanay natuwa din at very proud sa anak dahil nakapag-asawa ng
Hapon.
Noong panahon daw ng Hapon sabi ng lola ko, kapag nakakakita sila
ng Hapon, nagtatago sila at sumisigaw pa ng, Magtago kayo,
nandyan na ang mga Hapon.¨ Ngayon daw, ang mga nanay pa
mismo ang nagsasabi Anak, pumunta ka ng Japan, doon maraming
Hapon.¡¨
Mabalik tayo sa kwento ko hinanap ng mga magulang ang manugang
na Hapon. Sinabi ng anak na darating daw sa susunod na linggo.
Dumating ang araw ng pagdating ng Hapon at sumama ang buong
angkan ng babae sa pagsundo sa airport. Pero nakatanggap ang
babae ng tawag sa celfone na nakadetain daw ang Hapon dahil isa daw
itong Yakuza at kaya daw siyang tulungan ng taong nakausap niya na
nagpakilalang isang airport police para marelease ang asawa niya
kapalit ng 2 LAPAD!
Sa takot ng babae na mapahamak ang asawa, at kahit alam niya na
hindi ito Yakuza, nagbigay ang babae ng pera at presto! Nasundo niya
ang asawang Hapon and they live happily ever after.
Yan lamang po ang isa sa mga dahilan kung bakit malaki ang kita ng
mga kasamahan nating airport police. Kawawang mga Hapon at
nagiging source of income pa ng ibang mga negosyanteng airport
police na ang pangunahing pinagkakakitaan ay "EXTORTION"
Yan muna ang kwento ko mga bata Sana ay may natutunan kayo
Kawawang Pilipinas basa na naman ang papel!
Friday, March 14, 2008
Kawawang Pilipinas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment