Iba't ibang uri ng tao ang pumapasok dito, bata, matanda conyotics, social climber at karamihan....mga taong naglilibang at pilit na iwinawaksi sa kanilang isipan ang mga problemang kanilang kinakaharap. iba't ibang uri din ang reaksyon kapag nasa harap na ng nirentahang kompyuter. may nagsisigawan, umiiyak nangingiti at tumatawa. kung iyong susumahin isa itong teatro ng totoong buhay. isang "bodabil" ng makabagong panahon.
minsan nag aantay ako ng masasakyan ko sa harap ng isang internet shop may 3 batang naglalaro ng counterstrike masaya sila sumisigaw pa nga. sila yung mga batang may pangbayad, may beinte pesos na susunugin sa isang oras na paglalaro na minsan inaabot ng tatlo hanggang apat na oras.mga bata na kapag natalo ay pwedeng ulitin ang laro para sila ay manalo.
sa labas ng shop, may tatlong bata din naglalaro ng habulan. masaya din sila bakas sa mukha nila ang saya. halos umupo sa kakatawa habang hawak ang tiyan. mga batang handang tumanggap at umintindi ng pagkatalo.makikita mo din ang "bonding" na tinatawag sa isa't-isa.mga bagay na di mabibili ng halagang beinte pesos isang oras.
kawwa namn sila....kawawa silang may pangbayad ng beinte pesos na hindi ramdam ang tunay na saya. mga batang nasa digital era ngunit di kilala ang tunay na kalaro.....mga batang napag iwanan pagdating sa pakikipagkapwa tao...
ako..mas pipiliin ko ang laruang tsinelas,lata at bato o tansan na pamato di ko yan maipagpapalit.
Thursday, May 29, 2008
internet shop
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment