Tuesday, August 12, 2008

mumunting pangaral ng mga magulang

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit
ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga
magulang.

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE:

"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa
labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:

"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC:

"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:

"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa
ang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig
sabihin ng IRONY:

"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng
iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
CONTORTIONISM:

"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan
mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig
sabihin ng STAMINA:

"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng
pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang
WEATHER:

"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong
magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa
CIRCLE OF LIFE:

"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito,
maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR
MODIFICATION:


"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang
Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin
ng GENETICS:

"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong
ibig sabihin ng ENVY :

"Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo
nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad
namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION:

"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa
bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong
ibig sabihin ng RECEIVING:

"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang
HUMOR:

"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong
lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at
lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina
Inay at Itay kung ano ang JUSTICE:

"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak
magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"

0 comments: