papunta kami ngayon ng MOA..alam mo ba yun Mall of Asia...mayabang ako ngayon may budget..kasama pa namin yung aming baby.....malaki budget..1500..makakarami kami ngayon sabi ko sa sarili ko.
sakay kami ng bus from laguna, pagdating namin sa buendia nag taxi kami...sabi ko sobrang sobra budget natin, para di mahirapan ang bata anyway MALAKI BUDGET NATIN!!65 ang sabi ng metro...cge bigay mo na 100...sobrang traffic kasi..
nag ikot-ikot kami.lahat halos ng tindahan pinasok,nag tutuos kung magkano ang matitira at pwedeng bilhin sabi ko nga "NAKAKALUWAG-LUWAG" malaki budget natin may pinasok ako na tindahan ng mga laruan napa wow ako.ang ganda ng lobo, korteng aso tapos may paa na papel ang maganda dito mga isang piye lang ang angat nya sa lupa.kapag hatak mo parang totoong aso ang dala mo.ayos!!maganda toh,bibili ako neto.swabeng swabe sa lugar namin.wala pang ganyan doon. wag lang hagarin ng totoong aso...ayos na laruan ng mga bata toh.
Tiningnan ko presyo...habang hinahanap ang counter.nakasulat sa tag price PHP 499. Muntik na akong himatayin at bumula ang bibig habang ibabato ang rubix cube sa guardia. WTF (What the Face) ok lang kayo!!! sa ibibigay ko na 500..piso na lang ang isusukli nyo.ilang lobo na mabibili nun ah.may dedication pa na happy birthday from mama and papa.pwede din from MARIMAR o kaya president of the USA...para di mapahiya sa sales lady nagtanong na lang ako kung may dinosaur ba silang model...nung sinabing wala napangiti ako ng buong ningning at sinabing naku yun kasi ang hinahanap ng anak ko na 5 months old..sayang.
lumipat ako sa kabilang tindahan. aba eto yung ginagaya nila sa divisoria. habananas yata tatak nun. masilip nga. sikat na sikat ito sa alta sosyedad.baka maisingit ko sa "malaki naming BUDGET". nasalubong ko isang pamilya sa pinto ng tindahan. tig isa silang lahat...pare-pareho pa daw kulay.parang uniform sa liga ng basketbol sa barangay ah..mura lang to...check ulit ng tag price(para di maulit ang nangyari kanina) PHP 1200.aba budget na naming tatlo yun sa pagkain,pamasahe at gatas ah...sa divisoria na lang ako bibili..tatlo isang daan...di bale nang mamutok sakong ko makaka tipid pa din ako ng PHP 1100.Spartan na lang ako,gawang pinoy pa(ang palstic ko no?)dahill sa natuto na ko di na ako pumasok.sumilip na lang ako sa salamin. sa tindahan ng crocodilya. PHP 1800 waaaa!!iuuntog ko na sana ulo ko sa makapal na salamin. ang hirap tanggapin na ang budget naming pamilya na pinag ipunan ng ilang linggo ay katumbas lang ng tsinelas. may tsinelas hoarding na ba kagaya ng bigas? o kaya LOBO hoarding? ano ba nangyayari sa panahon na ito.
sinuma ko ang nangyari ng buong araw. masaya kami sa pamamasyal maliban sa sakit ng ulo dahil sa pag iisip kung saan tinatago ng hoarders ang tsinelas at lobo. sa totoo lang mas nakatipid kami kasi nasip naming mag asawa bka umuso ang hoarding ng ibat ibang bagay kaya kailangang mag tipid.
mhyketomahawk
Saturday, April 5, 2008
1500 Pesos!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment