Saturday, April 12, 2008

Pangarap....

A Guide on what to take in college.


Noong maliit ako sabi ko gusto kong maging sundalo..."para makatulong sa bayan"(patriotic ako noh 5 years old pa lang yan). kaso nalaman ko na pumupunta pala sa madilim na lugar ang mga sundalo kapag may hinahabol silang mga kalaban iniwan ko ang pangarap na yan. hindi naman sa takot ako sa dilim nung maliit ako. ayoko lang ng violence.

minsan nagpunta kami sa ospital para dalawin ang kaibigan ng magulang ko. may dumaan na doktor sa harap ko...ang ganda nya este ang ganda ng suot nya puting puti. laba yata sa Tide. may nakasabit pa sa leeg..waw gusto ko ng kwintas na yun sabi ko sa sarili ko kahit di pa uso nun ang mga "bling-blings". gusto kong maging doktor "para makatulong sa mga may sakit"(kahit bling-bling lang talaga sadya ko). iniwan ko din ang pangarap na ito nang malaman ko na pangit palang magsulat ang doktor kaso kahit iniwan ko na ang pangarap ko na yan pangit pa din akong magsulat.Sayang...

grade 3 ako noon. umuwi kami ng probinsya sakay kami ng barko..biglang may nagsalita "all aboard we are about to embark...." kapitan daw yun ng barko ang lupeeett. guto ko yun,tapos mag mamaniobra pa yung barko sa utos ng kapitan..galing...di katulad ng bangkang papel na nilalaro ko sa kanal na unti-unting natutunaw kapag tumagal.gusto kong maging kapitan ng barko..kaso wala pang isang araw pagkatapos kong sumuka sa lakas ng alon at baho ng katabi ko.naging kapitan na lang ng talaba ang pangarap kong ito.


pag uwi...nag eroplano na kami.ayaw yata ng tatay at nanay ko na maglinis ulit ng suka ko na may noodles at kanin.Sikat syempre bihira sa probinsya ang mag eroplano. habang lumilipad ang eroplano eto na talaga ang pangarap ko sabi ko sa sarili ko. maging isang pilot. lalo nang makita ko n dumaan yung mga stewardess..este dumaan yung eroplano sa ulap. namangha talaga ako.pagbaba ko sa eroplano kahit nagdadalwang isip ako kung ang pangarap ko ay maging piloto or stewardess. sabi ko, balang araw sasakay ulit ako jan. nalaman ko after 5 years na di ako pwedeng maginmg stewadress dahil pang babae lang ang trabaho na yun..kaya buo na pasya ko.maging piloto.

4th year highschool. pumasok na ang mga panggulo sa utak namin.anjan ang mga demo's and school discounts para sa college. pero buo na pasya ko. magpipiloto na ako.kahit pumasa na ako ng exam sa PMA at medical na lang ang hinihintay.umabsent ako para sa inquiry and exam sa isang aeronautical school. "Magkano po? 35,000 po ang ground training. 8,000 per hour naman kapag flight training ka na" teka 7.50 pesos pa lang presyo ng bigas nun ah. may rice hoarding pa. nalaman ko din na hindi Bachelor of Science ang kurso...(sour graping lang talaga ako.di namin kaya ganyang kalaking tuition) kaya naghanap na lang ako ng related na kurso...Bachelor of science in Aeronautical Engineering....teka may kasunod pa...MAJOR IN DESIGN. tingnan mo..pagkatapos ko major na ako. 2 birds in one stone. opisyal ng sundalo na engineer pa.

matatapos na ako...yung 5 years ko..makukuha ko lang ng 4.5 years..kaso nalaman ko na hindi pla umaakyat ng stage ang octoberian.kaya nag iwan ako ng dalawang subject para naman makita ng magulang ko na umakyat ako ng stage.yung pinakamahirap english4 tsaka isang minor subject din. sa tourisim department ko pa kinuha yung english para walang vacant time na 5 hours...4 hours lang.(pero sadya ko talaga dun ang magagadang tourism girls).

sa madaling salita natapos ko ang aking kurso at nagkatrabaho ng malayo sa kursong kinuha ko dahil nagsara PAL pagka graduation ko.

Pahabol,
oo nga pala. natupad ang pangarap ko n saskay din ulit ako sa eroplano..di nga lang piloto o stewardes.bilang isang pasahero.nag hosto ako sa japan ng isang linggo kaso pinabalik nila agad ako. kamukha ko da w si FPJ. yung pumatay ng sangdamukal na hapon na akala nila documentary ng pilipinas na gawa ng sampaguita pictures. ayaw na daw nilang maulit ang masaklap na dinanas ng mga ninuno nila sa kamay ng isang gwapong pinoy na katulad ko.

0 comments: