Sa aking paglakad malapit sa city hall may napaka habang pila…..baka may libre nanaman na noodles si mayor…..bka medical mission…malapit na pyesta, baka may bagong pakulo nanaman …pero nung mapansin ko…bigas ang dala ng mga umaalis sa unahan….murang bigas..NFA rice.
Sa aking pagkakaalam hindi pinagbawal ang
Sa aking pagmamasid sa mga pangyayari sa gobyerno. napag nilay-nilayan ko na hindi kaya panakip butas lang ito ng mga kaguluhang nangyayari. Ang pagkubli sa kurapsyon, pagtaas ng gasolina, pamasahe at paglantad ng mga saksi ng multibilyong ZTE deal. Idagdag pa natin ang paghihirap ng mga kababayan nating OFW na dahil sa paglakas ng piso ay lumiit ang palit ng baryang kanilang sinasahod.Isinabay pa ang pansamantalang paglaya ni Misuari. Hindi kaya ito ay isang pagkubli ng ating gobyerno sa realidad.
Parating nanaman ang Mayo 1. kaliwa’t kanan nanaman ang pagreklamo ng mga manggagawa na akala mo ay sila ang namuhunan sa kanilang pinapasukan na planta.
Gumisng na tayo…huwag tayong magsisihan…may maliliit na bagay tayong magagawa na kapag pinagsamsam ay maganda ang kalalabasan.
BIGAS…hindi kulang ang bigas, walang shortage dito sa lugar namin. Pumipila lang sila para makatipid. Kahit pumunta ka sa mga tindahan sa palengke. Madaming nakapondo…hindi kulang ang bigas….kulang ang pangbili ng karaniwang tao sa mahal na bigas. Yan ang katotohanan.
0 comments:
Post a Comment