Monday, June 16, 2008

pagkakaiba ng bata noon at ngayon

halos isang buwan din akong di nakapagsulat....mejo busy....halos isang buwan kong pinag aralan kung panu kumita sa blog...isang buwan..ngumit hanggang ngayon ay bigo pa din ako kaya eto. nakakakita nanaman ako ng mga bagay-bagay sa aking paligid.



Noon

ang sagot sa matanda ay 'po" at "opo"


Ngayon

ang sagot samatanda ay OO at hindi!!!!!sabing hindi nga!!!


Noon

Kapag nadapa.......

ano nasaktan ka ba? may sugat ka?


Ngayon

Kapag nadapa.......

wahahaha...ano tatanga-tanga ka eh




Noon

mama/papa pahingi po ng beintesinko pambili ng kendi......salamat po


Ngayon

mama/papa pahingi ng seven hundred pambili ng tsinelas.....salamat DUDE



Noon

6:00 pm....uwi na ko...magagalit momi ko eh


Ngayon

5:00 am....ALAK PaHH!!



Noon

estudtyante...........syettt nakalimutan ko gawin ang assignment ko!!!


Ngayon
estudtyante...........(kahit walang assignment) syettt nakalimutan ko celfone ko!!!


Noon

Wow ang Pogi ni Gabby Concepcion....bagay sila ni Sharon Cuneta.


Ngayon

Ang Gwapo Ni Doreimon....naging magboyfrend kaya sila ni Novita.



Noon

Pen-pen de sarapen de kutsilyo de almasen...

Ngayon

tetetetetetetteteteex....



Noon

Pangarap ng bata........maging sundalo para ipagtanggol ang sariling bansa


Ngayon

Maging senador.......para palaging nasa TV








Leia Mais…

Thursday, May 29, 2008

internet shop

Iba't ibang uri ng tao ang pumapasok dito, bata, matanda conyotics, social climber at karamihan....mga taong naglilibang at pilit na iwinawaksi sa kanilang isipan ang mga problemang kanilang kinakaharap. iba't ibang uri din ang reaksyon kapag nasa harap na ng nirentahang kompyuter. may nagsisigawan, umiiyak nangingiti at tumatawa. kung iyong susumahin isa itong teatro ng totoong buhay. isang "bodabil" ng makabagong panahon.

minsan nag aantay ako ng masasakyan ko sa harap ng isang internet shop may 3 batang naglalaro ng counterstrike masaya sila sumisigaw pa nga. sila yung mga batang may pangbayad, may beinte pesos na susunugin sa isang oras na paglalaro na minsan inaabot ng tatlo hanggang apat na oras.mga bata na kapag natalo ay pwedeng ulitin ang laro para sila ay manalo.

sa labas ng shop, may tatlong bata din naglalaro ng habulan. masaya din sila bakas sa mukha nila ang saya. halos umupo sa kakatawa habang hawak ang tiyan. mga batang handang tumanggap at umintindi ng pagkatalo.makikita mo din ang "bonding" na tinatawag sa isa't-isa.mga bagay na di mabibili ng halagang beinte pesos isang oras.


kawwa namn sila....kawawa silang may pangbayad ng beinte pesos na hindi ramdam ang tunay na saya. mga batang nasa digital era ngunit di kilala ang tunay na kalaro.....mga batang napag iwanan pagdating sa pakikipagkapwa tao...

ako..mas pipiliin ko ang laruang tsinelas,lata at bato o tansan na pamato di ko yan maipagpapalit.

Leia Mais…

Monday, May 19, 2008

Havaianas vs Spartan

Pangalan: Havaianas

Lugar na pinanggalingan:
São Paulo, Brazil

Pagbigkas:

ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG!-hAH- va- yaH-naZz!! (Filipino)

Materyal na ginamit:
Malupit na goma (High-quality rubber).

Presyo:
Hindi ko alam. Ganito na lang,
1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan


Mga nagsusuot:
Mga konyotik at mga mayaman.

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Masarap isuot.
- 'Shock-absorbent '
- Malambot ngunit matibay.
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
- Mainam na pang-japorms.
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.

Olats na mga katangian:

Mahal!
Mahal!
Mahal!

_____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ __

Pangalan:
Spartan

Lugar na Pinanggalingan:
Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:

spar-tan (American English)
is-par-tan (Filipino)

Materyal na ginamit:
Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo:
Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.


Mga nagsusuot:
Ako at ang masa! Nyahaha!

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Maaring ipampatay sa ipis.
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
- Pwedeng ipamalengke.
- Mainam gamitin sa tumbang-preso.
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan.
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang
gawing pamato sa larong
Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay)

Olats na mga katangian:

* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas

Leia Mais…

Friday, May 2, 2008

diskarte....

eto mga sinabi ko sa batter half ko kaya sinagot nya ako...


1. Minamalat na naman ang puso ko..
*** Paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo..

2. Ikaw ba may-ari ng Crayola??
*** Ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko..

3. Uy picture tayo!!
*** Para ma-develop tayo!!

4. Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita??
*** Hinde, para lagi kita mamimiss..

5. Can i take your picture??
*** ‘Coz i want to show Santa exactly what i want for Christmas!!

6. Exam ka ba??
*** Gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!!

7. Lecture mo ba ako??
*** Lab kasi kita..

8. Centrum ka ba??
*** Kasi you make my life complete!!

9. Miss pwede ba kita maging driver??
*** Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..

10. Mahilig ka ba sa asukal??
*** Ang tamis kasi ng mga ngiti mo..

11. Pinaglihi ka ba sa keyboard??
*** Kasi type kita..

12. I hate to say this but… You are like my underwear..
*** ‘Coz i can’t last a day without you!!

13. Ibibili kita ng salbabida..
*** Kasi malulunod ka sa pagmamahal ko..

14. Pwede ba kitang maging sidecar??
*** Single kasi ako eh..

15.Me lisensya ka ba??
*** Coz you’re driving me crazy eh..

16. May kilala ka bang gumagawa ng relo??
*** May sira ata relo ko.. Pag ikaw kasi kasama ko, humi­hinto ang oras ko..

17. I’m a bee..
*** Can you be my honey??

18. Am i a bad shooter??
*** Coz i keep on missing you..

19. Naniniwala ka ba sa love at first sight??
*** O gusto mong dumaan ulit ako??

20. Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh??
*** Kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad..

21. Excuse me.. Are you a dictionary??
*** Because you give meaning to my life..

22. Bangin ka ba??
*** Nahuhulog kasi ako sa’yo..

23. Pagod na pagod ka na noh??
*** Maghapon at magdamag kana kasing tumatakbo sa isipan ko eh..

24. Me butas ba puso mo??
*** Kasi natrap na ako sa loob, can’t find my way out!!

25. Anung height mo??
*** Pano ka nagkasya sa loob ng puso ko..

26. Hey, did you fart??
*** Coz you blew me away!!

27. Sana “V” na lang ako..
*** Para i’m always right next to “U”

28. Nde tayo tao..Nde tayo hayop…BAGAY tayo…BAGAY tlga tayo…

29. Ako ay isang exam…kaya sagutin mo na ako…

30. Mag empake ka…sama ka sakin….punta tayo home for the aged……
*** Kasi i wanna grow old with you……

31. Alarm clock ka ba?
*** Kasi ginising mo ang natutulog kong puso…..

32. Alam mo bang parang 7-11 ang puso ko?……
*** Kasi 24 oras bukas para sayo…..

33. Nung mahalin kita…..daig ko pa ang na traffic sa edsa……
*** I can’t move on….

34. Nakalunok ka ba ng kwitis?
*** Pag ngumiti ka kc…may spark….

35. “Pag ako gumawa ng planeta, gusto ko ikaw ang axis ko..
*** Para sayo lang iikot ang mundo ko..”

36. You look like someone I know
*** My next Girlfriend

37. Ako na magbabayad ng tuition fee mo!
*** Basta pag-aralan mo lang na mahalin ako.

38. Feeling ko mouse tayong dalawa…
*** You know, we just click.

39. Excuse me, tatanong ko lang kung didiretsuhin ko bang daan na ‘to,
*** O may ibang shortcut sa puso mo?

40. May free time ka ba? Samahan mo naman ako sa psychiatrist. ..
*** Magdala daw kasi ako ng kinababaliwan ko.

41. Kung may business ako, lahat ng tao bebentahan ko ng mura,
*** ‘Kaw lang ang hindi. Sa’yo lang ako magmamahal.

42. Bukas sisingilin ko na yung bayad mo sa renta…
*** Tagal mo na kasing naninirahan sa puso ko eh

from http://www.barangaybp.org...musta na mga kabayan

Leia Mais…

Sunday, April 27, 2008

Pila sa bigas


Sa aking paglakad malapit sa city hall may napaka habang pila…..baka may libre nanaman na noodles si mayor…..bka medical mission…malapit na pyesta, baka may bagong pakulo nanaman …pero nung mapansin ko…bigas ang dala ng mga umaalis sa unahan….murang bigas..NFA rice.

Sa aking pagkakaalam hindi pinagbawal ang Vietnam rice na dati pa nating kinokonsumo. Hindi rin naman kulang ang bigas sa ibang probinsya. Bakit may sumulpot pang US rice…..pressure ba ito galing Estados Unidos para makarecover sila sa kanilang economic turmoil?

Sa aking pagmamasid sa mga pangyayari sa gobyerno. napag nilay-nilayan ko na hindi kaya panakip butas lang ito ng mga kaguluhang nangyayari. Ang pagkubli sa kurapsyon, pagtaas ng gasolina, pamasahe at paglantad ng mga saksi ng multibilyong ZTE deal. Idagdag pa natin ang paghihirap ng mga kababayan nating OFW na dahil sa paglakas ng piso ay lumiit ang palit ng baryang kanilang sinasahod.Isinabay pa ang pansamantalang paglaya ni Misuari. Hindi kaya ito ay isang pagkubli ng ating gobyerno sa realidad.

Parating nanaman ang Mayo 1. kaliwa’t kanan nanaman ang pagreklamo ng mga manggagawa na akala mo ay sila ang namuhunan sa kanilang pinapasukan na planta.

Gumisng na tayo…huwag tayong magsisihan…may maliliit na bagay tayong magagawa na kapag pinagsamsam ay maganda ang kalalabasan.

BIGAS…hindi kulang ang bigas, walang shortage dito sa lugar namin. Pumipila lang sila para makatipid. Kahit pumunta ka sa mga tindahan sa palengke. Madaming nakapondo…hindi kulang ang bigas….kulang ang pangbili ng karaniwang tao sa mahal na bigas. Yan ang katotohanan.

Leia Mais…

Saturday, April 26, 2008

tawa ulit

Intsik: Bili kayo panty. Kapag sinuot ito, hindi kayo mabubuntis.

Babae: Bigyan mo ako ng tatlo.

3 months later, galit si babae.

Babae:Bakit ako nabuntis?

Intsik: Baka hinubad mo!
===================================================
GF: Hayop ka, niloloko mo ako!

BF: Bakit, wala naman akong ginagawa ah!

GF: Anong wala? Nakita kita kanina, may kasama kang ibang babae, magkahawak
pa kamay nyo! Niloloko mo ako!

BF: Makinig ka muna... hindi kita niloloko, maniwala ka... Yung kasama ko
kanina ang niloloko ko!

****************************************************************************
**

Ifugao: Apply po ako ng sundalo, sir.

Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong sirang ngipin, bungi ka pa!

Ifugao: Bakit sir, sa gyera ba ngayon, kagatan na ang labanan?

****************************************************************************
**

A lizard fell on a table.

Genius: Oh! reptila scincidae;

Kikay: Eew, lizard!;

Astig: Shit, butiki!;

Mataray: Shucks, butiks!;

Mayaman: Yuck! Lacoste!;

Mahirap: Pare, ulam!

****************************************************************************
**

Pedro: Saan ka galing, p're?

Berto: Sementeryo, libing ng byenan ko.

Pedro: Bakit puro kalmot ang mukha at braso mo?

Berto: Mahirap ilibing eh, lumalaban!

****************************************************************************
**

Bakit "S" ang nasa costume ni Superman? Wala na kasing medium! Napansin mo,
fit masyado, di ba?

****************************************************************************
**

Mother superior: Hala, layas dito sa kumbento!

Madre: Bakit po? Dahil po ba sa paggamit ko ng vibrator?

Mother superior: Hindi, ayoko lang may nakikiaalam sa gamit ko!

****************************************************************************
**

Nanay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay! Simula
ngayon, huwag mo na akong tawaging nanay at hindi na rin kita tatawaging
anak, naintindihan mo?

Anak: Sige dude, alis na ako.

****************************************************************************
**

Boy: Kukunin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo!

Girl: Shut up! Hindi mo nga makuha yang kulangot mo, bituin pa!

Boy: Ay sorry, hindi ko alam na ito pala ang gusto mo!

****************************************************************************
**

Ice cream ba talaga yung inendorse in Pacquiao sa TV ad nya na Nestle Ice
Cream? Akala ko kasi, softdrinks. Kasi, sabi nya, "Oh mga bata, Mirinda na!"

****************************************************************************
**

A priest at a church.

Lady: Father, ang gwapo at cute mo naman! Bakit ka pa kasi nagpari?

Priest: Dahil ayaw pumayag ng magulang ko na magmadre ako! Bruha!

****************************************************************************
**

Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang takip
ang ulam namin, hindi kinakain!

Juan: Maniwala ako?!

Pedro: Totoo!

Juan: Ano ba ang ulam nyo?

Pedro: Asin!

****************************************************************************
**

Nurse: Miss, gising na!

Patient: Ah, bakit?

Nurse: Oras na ng pag-inom ng gamot.


Patient: Anong gamot?

Nurse: Sleeping pills.

****************************************************************************
**

Boy Guwapo + Girl Ganda = Perfect Couple.

Boy Guwapo + Girl Panget = True Love.

Boy Panget + Girl Ganda = Galing Diskarte.

Boy Panget + Girl Panget = SUKOB!

****************************************************************************
**

Ama: Bakit ka umiiyak?

Anak: Pumasa po kasi ako sa test. Huhuhu!

Ama:
Aba, magaling! Anong subject yun, anak?

Anak: Pregnancy test po itay!


****************************************************************************
**
Erap at Starbucks.

Erap: Waiter, isang kape nga!

Waiter: Sir, decaf ho ba?

Erap: Syempre! Bobo! Lahat ng kape, de cup!

Bakit, may nakaplato ba?!

****************************************************************************
**

Sa prusisyon.

Pari: Ang mga boys, sunod sa karo ni
San Jose, mga girls, sa karo ni Mama
Mary.

Bakla: Kami father, saan kami susunod?

Pari: Mga bruha! Follow me!

****************************************************************************
**


Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang
parachute!

Leo: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?

Pedro: Dun sa burol nya!

****************************************************************************
**

Anak: Inay, ang galing ng titser ko.

Inay: Bakit naman?

Anak: Tinuruan kami ng kagandahang asal.
Nanay: Eh di marunong ka nang gumalang at magpo at opo?

Anak: Natural! Tanga ka ba?

****************************************************************************
**

Use "Bampira" in a sentence!

Ahmm, Dodong,pautang naman, meron ka bampira?!

****************************************************************************
**

TUKMOL: Sino sa inyo ang matapang? Lumabas!

SIGA: Ako, matapang ako, bakit may problema ka?

TUKMOL: Wala po, survey lang ho. Ngayon, yung duwag naman ang lumabas!

****************************************************************************
**

Anak: Ma, hingi sanaako ng P50.

Nanay: P40? Ang laki naman ng P30! Anong gagawin mo sa P20? Akala mo
madaling kumita ng P10? O, eto P5.

****************************************************************************
**

Boy1: Bakit mo ako sinuntok?

Boy2: Tinawag mo akong hipopotamus!

Boy1: Last year pa yon! Tarantado!

Boy2: Eh kanina ko lang nakita picture ng hippopotamus, bobo!

****************************************************************************
**

May kwento ako tungkol sa lovelife ng ampalaya. Huwag na lang! Masyadong
mapait!


****************************************************************************
**
Grabe! Biruin mo, 150,000 pesos daw, hot oil lang! 150,000 pesos ang
rebonding! Sobra naman yang David's Salon na yan! - Rapunzel.

****************************************************************************
**

Hindi makapagtimpla ng juice si Inday. Tahimik lang syang nakatitig sa bote
ng juice. Dahil nakasulat: Concentrate.

Leia Mais…

A very touching story

Daniel: I guess we are the left overs in this world.
Jasmine: I think so.. All of my friends have boyfriends & we are the only 2 persons left in this world without any special someone in our lives.
Daniel: Yup! I don't know what to do.
Jasmine: I know! We'll play a game.
Daniel: What game?
Jasmine: I'll be your girlfriend for 30 days & you will be my boyfriend.
Daniel: That's a great plan in fact, I don't have anything to do for the following weeks..

DAY 1:
They watched their first movie together & were both touched in the romantic film.

DAY 4:

They went to the beach & had a picnic... Daniel & Jasmine had their quality time together.


DAY 12:

Daniel invited Jasmine to a circus and they went to a Horror House.. Jasmine was scared

and she tried to touch Daniel's hand but by accident she touched someone else's and they both laughed..

DAY 14:

They saw a fortune teller down the road and asked for their future. The fortune teller said: "My darlings, please don't waste the time of your lives... spend your time together happily." Then tears flow from the teller's eyes.

DAY 20:

Jasmine invited Daniel to go to the hill and they saw a meteor... Jasmine mumbled something.

DAY 28:

They rode on a bus and because of the bumpy road, Jasmine gave her first kiss to Daniel by accident.

DAY 29:

11:37 pm
Daniel & Jasmine were sitting in the park where they first decided to play this game...

Daniel
: I'm tired Jasmine... do you want any drinks? I'll buy you one.. I'll just go down the road..

Jasmine:
Apple juice would be fine,thanks.

Daniel
: Wait for me...

20 minutes later
... a stranger approched Jasmine.

Stranger
: Are you a friend of Daniel?

Jasmine:
Yes, why? What happened?

Stranger
: A reckless drunken driver ran over Daniel & he is critical in the hospital.

11:57pm

The doctor came out from the emergency room & handed out an apple juice & a letter to Jasmine.

Doctor
: We found this in Daniel's pocket.

Jasmine read the letter which says:

Jasmine, this past few days, I realized you are really a cute girl & I am falling for you.. your cherished smile, your everything when we played this game.. & before this game ends, I would like you to be my girlfriend for the rest of my life. I love you, Jasmine...

Jasmine crumples the paper & shouted..

"Daniel! I don't want you to die...I love you... Remember that night we saw a meteor? I mumbled something.. I wished that we would be together forever & never end this game. Please don't leave me, Daniel... I love you, you cannot do this to me.

Then the clock strikes 12

Daniel's heart stop pumping


THEN IT WAS THE 30th DAY...


Always love your loved ones & show them how you feel before it's too late.. You will never know when they will be gone from your embrace.. If you were given a time to bestow petals of everlasting compassion & love to your love ones, today is the day. Love them while they are still here...

Leia Mais…