Thursday, March 6, 2008

buhay talaga ng tao...

ang init...halos tatlong oras na kong naglalakad..naghahanap ng trabaho sa isang industrial park sa laguna..ang dami ko nang interview na pinagdaanan..pero palaging nagaantay yata ako sa wala.....palaging sinasabi na..."congratulation...you have qualified..wait for our call for your final interview" pero kapag nag follow up na ko...sasabihin...masyadong mataas ang experience ko para sa posisyon na inaaplyan ko...binawasan ko na din mga nakalagay sa resume ko...ganun pa din resulta...ayun may hiring.....kahit mahaba pila..pagtiyagaan ko na.

wala din nangyari...antagal kong nag antay... tatawagan nanaman...nwawalan na ko ng pag asa...di ko maintindihan mga tao....katulad ng mga taong nakasalubong ko kanina.."ibagsak ang sakim na kapialista" sigaw nila....teka..matanong ko nga...kayo ba namuhunan sa negosyo nila...bakit parang feeling nyo sa inyo na yung kumpanya..."pataliskin ang pangulo!!" sigaw nung isa.naghihirap daw sila dahil sa pangulo...kung nagtratrabaho ba sila para di mabawasan ang sweldo nila eh di mas maganda diba? bibili na nga lang ako skyflakes pang tanghalian....pamasahe din yung matitira para buksa hindi na ko hihingi ng pamasahe nakakahiya na eh....

kamusta apply mo...tanong ng asawa ko, ok lang...tatwagan na lang daw ako. di ako makatingin ng derecho sa mata nya..nahihiya kasi ako..walang pangbigay kahit pang kendi manlang. "pumunta nga pala yung may ari ng apartment..naniningil na...nasa ref nga pla yung disconnection notice ng kuryente"............nanlalaki na ulo ko..sasabog na yata sa dami ng problema...gusto ko ng mwala..mawala ng parang bula...minsan naisip ko, may naagrabyado ba ako? may nagawa ba akong malaking kasalanan bakit parang pabulusok pababa ang nararanasan naming mag asawa..dalawang taon pa lng kami...di ko p yta cya nabibigyan ng gihawa ng buhay.

Madami akong panlaban sa problema.....sinasabi ko na lang "When there's nothing to turn to..I've got prayers on my side"......o kaya...di ko sinasabi na "lord...i have a big problem..." ....sasabihin ko..."problem I've got my big GOD..."anjan cya para magbigay ng pag asa.

cge..alis na muna ako..mag iimpake....pinapalayas na kami sa inuupahang apartment...salamat sa pagdalaw kaibigan...

1 comments:

mama le-an said...

love you pa ... love you much and i'm very happy being with you ...we'll get thru this ...god willing ...