Friday, March 14, 2008

Math 101

mhyke: magkano yung 300 globe prepaid?

tindera: 295 po.

mhyke: sige po, pabili.

sabay abot ko ng 500 pesos. matagal akong tinitigan ng tindera. "puzzled ang mukha nya". iniisip ko kung naasar sya dahil buong 500 ang perang inabot ko. kaya sabi ko, eto na lang ang
baryang 300. pero ganun pa rin ang mukha nya. matagal na nakatingin sa akin at hindi inaabot ang 300.

n.ub: may problema po ba?

bandang huli, kinuha rin nya ang 300 at humanap ng......
calculator.

300-295=5
______________________________________

ang ibang mga grade schoolers na kilala ko, nag-uumpisa nang
magsolve ng mga complex algebra problems. sa isang banda,
nakalulungkot isipin na may mga kabataan tayong hirap sagutin kung
magkano ang sukli sa 300-295.

sabi sa isang artikulo ng Samahang Demokratikong Kabataan:
"Iskul Bukol" Ganito maisasalarawan ang kalagayan ng edukasyon sa
bansa. Kulang na kulang sa pondo ang mga pampublikong paaralan.
Sobra-sobra ang pagtaas ng matrikula at iba pang mga singil sa
pribadong mga paaralan. --- Ang "Iskul Bukol" na Sistema ng
Edukasyon.


Masisisi mo ba ang mga taong mayaman na lalong yumayaman? Sila ang
nakakakuha ng magandang edukasyon dahil sila ang may kapasidad na
magpadala ng mga anak sa mga pridadong eskwelahan.

Lalo nga bang naghihirap ang mga mahihirap dahil napipilitang
patigilin sa pag aaral ang mga anak na sya pa namang inaasahang mag
aahon sa kanila sa kahirapan?

Kabataan daw ang pag-asa ng bayan. Pero kung hindi sila mabibigyan
ng tamang karapatan upang mag-aral, paano na ang kinabukasan ng
bansa?

Reporma sa edukasyon, napapanahon na nga ba?

Kung may babaguhin ka sa kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon- ano
ang dapat na unahin?

seryosong usapin. sana ay bigyang pansin nating lahat

0 comments: